Switch it off

"Switch it off!"

So goes my favorite phrase these days which the language trainers use kapag "low batt" na ang oral communication skills nila (kita ninyo naman, nagtatagalog na ako at tiyak mamaya nito, wala na sa tama kahit man lang ang Tagalog grammar ko).

Last week, naranasan kong sumaya at mairita all at the same time. Kapag nagkakaganyan na, that’s already a definite indication that I’ve already recognized that I’ve truly found a new set of friends, an additional family that I’d surely treasure and this new family is my L-PET (e-Telecare’s Language Pre-Employment Training) family.

Speaking of families though, na-miss ko ang mga Couchers, or now known as Naru’s hausmeyts. At kahit nagmukhang ang dahilan ko lang sa pagpunta ko sa gimmick noong Saturday ay ang meeting ko with another person, this I’d like to make clear: My enthusiasm in pushing through with the Saturday gimmick runs deep. Naks. Haha. But seryoso, I really, really missed them!

Siguro dala na rin ito ng drama kong "MIA" sa PEx. At siguro, talaga ngang hindi magandang manood ng "You Got Me" on a Friday night nang nag-iisa at sa Eastwood pa. E mag-iiyak ka ba naman sa gitna ng isang nakakatawa at nakakakilig na mga eksena.

So what else is new? Nothing much except for a P2K-worth of new hairstyle (don’t ask…) na inaalagaan ko na, ang mga multo sa ICITE Bldg. sa Eastwood na hinihintay kong magpakita sa digicam ko, ang pagpuslit ko sa Cybermall sa office nang walang dalang I.D. na may kasamang "distraction tactic" ng very cooperative/supportive co-trainers ko (thanks Pao!), ang "balls" food trip with the trainers as well (next destination: UP) plus the hiking trip in Makiling or Baguio with Cecilia, ang inaanticipate kong P1500/month off-peak gym sessions in Gold’s Gym (haha, I wish), ang "paghahangad" (naks ang lalim) kong makabalik sa home office ko sa PBCom for the sole reason na ironically, mas mahal talaga kapag nasa Eastwood ka kesa sa Makati (then again… I’ll miss the L-PET trainers… not fair! Nen, Owie, Noel would have each other’s company while Carla and I would be alone in Alabang and Makati, respectively), ang panghaharass sa Divisoria para sa gown ko for Ida’s wedding (lagot…haha), at ang pagtataglish ko ngayon.

Yun lang.

2 Responses to “Switch it off”

  1. Purple coW Says:

    huuu… magtatampo na sana ako eh. hahaha! sabi mo may ibang lakad ka ng mar3 kaya di ka makakapunta sa gimik namin. tas deyt lang nagpunta ka na tsk tsk! hahaha! ay naku! suko na ako sa iyo hopeless ka nga nyahahah hopeless romantic. in fairness ganda mo nunng saturday! ayus!

  2. Precious Says:

    wahaha. a ewan. pramis di rin ako talaga natuloy sa original lakad ko dahil nung umaga, may pinagawa ako ni dad sa office niya sa may greenbelt. so ayun, i might as well push through with the gimik ng couchers and yung other meetinng ko.. :p

Leave a Reply