Oo, hindi pa…
Habang pinapanood at pinapakinggan ko si Zillah na mag-alala at magreklamo dahil sa lakas ng ulan na maaaring maging hadlang sa safe na pag-uwi ng "cutie" niya, hindi ko mapigilang hindi mapaisip ng kung paano na lang itong babaeng ito kung sakaling… sakaling hindi nga…
*Beep* *Beep*
O, text message galing kay… Joy? A si Joy… Si Joy na nasa likod ko lang ang cubicle. Si Joy na kagabi lang ay hindi makatulog sa pilit na pag-iisip ng tamang interpretation sa mga pangyayari.
"Boys are like ONIONS… They add taste and spice to our lives but just like ONIONS they make us cry… Kaya naman sarap tadtarin ng pino ang mga walanghiyang sibuyas na yan. (’="
At sa gitna ng kulog at kidlat at zero visibility mula sa building namin, nag-text siya: "Prech, ingat sa pag-uwi ha. Lakas ulan. Naalala ko lang po kayo."
"O kita mo sabi ko sa ‘yo. Kaming mga lalaki, late reaction," gatong ni Leo sa lumalaro-laro sa isip ko na mga tanong. "Nasa confused stage ‘yan."
Hay buhay. Parang life. Ayaw mo na nga isipin pero ayan pa rin. Ever present. Ever existent.
Joy: "Ano ba? Mahal mo pa ba? Akala ko ba nakapag-move on ka na?"
Precious: "Oo, hindi pa…"
Joy: "Huh?"
Precious: "Go figure…"