Mga Tanong… Walang Katapusang Tanong
Binabasa mo kaya ang blog posts ko kapag inaalerto ka sa Yahoo email mo ng updates sa blog ko?
Binabasa mo kaya ang text messages ko? (Yung kagabi tungkol sa sakit ng ulo ko, it wasn’t meant for you. It was really accidentally missent to you. Antok na ako noon. Masakit pa ang ulo ko. Bumpy pa ang ride to Laguna…)
Iniisip mo pa rin bang nagtatanim ako ng sama ng loob sa mommy mo?
Alam mo kayang araw-araw umiiyak ako at nasasaktan ako?
Naiisip mo ba ako?
Do you even care?
Naalala mo pa bang ako ang sinabihan mo na on our wedding day, I have nothing to think or worry about, basta I just have to be cute when that day comes?
Naalala mo pa bang ako ang sinabihan mo na if ever there’s a girl you’d like to spend the rest of your life with, you want that girl to be just like me?
Does it still mean the same as it used to mean noon?
…………….
Kasama mo kaya siya ngayon?
E kagabi?
E noong isang gabi?
Niloloko ko lang ang sarili ko. Officemates nga sinabi kayo e. Hulaan ko kaya ang sagot?
"Presh, stop it. Mahal kita. You don’t deserve it. Isn’t it enough na pinagpalit ka niya?" sabi ng isang concerned na girl friend.
It just keeps on echoing in my head.
The image of you holding her hand, in a formal office attire which I’ve never seen you wear before, arriving in your office, not minding that you’re already ten minutes late, keeps on coming back in my head. This was the day I died. The day when the "me who used to be in that girl’s place before" died.
Ang hirap isipin na noong saktong isang linggo lang kamay ko ang hinahawakan ng kamay mo. Ang sakit isipin kung ano na kaya ang ginagawa ninyo ngayon.
"GAGA! Huwag ka ngang magpakatanga diyan!" ang mga salita ng isa pang kaibigan matapos kong sagutin ang tanong niya sa chat na "How are you" ng "I miss him… I still love him…"
Sa saliw ng tugtuging "Jealous" ni Nina at ng "Paalam Na" ni Rachel Alejandro (Sinabi ko na, how come I liked her songs noong mga panahong hindi pa kita kilala at hindi pa ako ganitong nasasaktan sa isang sitwasyong swak na swak sa mga lyrics ng kanta niya?!), nagpapakamasokista ako.
Ang hirap dayain ng sarili ko lalo’t bumabalik sa ala-ala ko ang nasa peripheral vision ko nung nagkausap tayo sa boarding house mo. Nakatungo ka habang parang may pinahid ang dalawa mong daliri sa mga mata mo. Inaantok ka nga lang ba kasi ginising kita at kailangan mong pahirin ang mata mo para magising? O luha mo ang pinapahid mo?
Para na namang isang pelikula. Para na namang isang soap opera. Kagaya ng hindi iilang beses na paghihiwalay natin. Kagaya ng hindi iilang beses na walang ulit kong tinatanong kung babalik ka pa kaya sa akin?
"Kuya, ingatan ninyo po siya ha," sabi mo sa taxi driver bago kami tuluyang umalis na siya namang hindi nagawa ni mamang driver dahil may iba akong plano. Hindi pa nakakalayo ang taxi nang pinalitan ko ang P100 binayad mo ng P50 at bumaba ako kasi gusto kitang mayakap. Yun pala’y nasa malayo ka at nakatanaw. Balak mo pa yatang tingnang lumalayo ang taxi na siya namang hindi nangyari dahil nga sa bumaba ako.
Kunot ang noong nagtanong ka. Hindi ako nakasagot nang makita kong maraming lasing sa lugar na yun. Sa halip ay tumakbo ako palayo. Hinabol mo ako laluna siguro, siguro nang nakita mong muntik na akong mabangga ng FX.
"Damn it Earl, what are you doing?! ‘Wag ka nang ma-guilty, I’ll be safe," sabi ko ngunit ang gusto ko talagang sabihin ay gusto kitang mayakap na siyang hindi ko magawa dahil may mga babae tayong kasabay.
"Nothing," sabi mo.
Sa kanto hindi ko na kailangang sabihin. You hugged me. You said in a pained voice that’s very familiar to me that you didn’t want to say goodbye.
"Niloloko mo lang ang sarili mo. Pinaniniwala mo ang sarili mo na mahal ka pa niya," sabi ng isang bagong kaibigan sa PinoyExchange.
Niloloko ko nga lang ba ang sarili ko? O alam ko talaga ang naramdaman ko at nakita ko at narinig ko?
Ganun pa ba kita kakilala? That you’re just confused? That you never really meant to hurt me? That you really tried not to hurt me? That you’re really a good person?
Kung sakaling binabasa mo ito, magpapaalam na ako. Next week na pala ang date ko. It’s a blind date. My friends are trying to help me forget. Can they? Can I?
I’m still holding on to your words, Earl, that I should not let you go.